Buhay Kolehiyo Essay Tagalog

Tulad ng maraming mga Filipino isa rin akong
mahilig sa laro ng basketball. Ngayon ko talaga
napatunayan na gusto ko ang larong ito dahil
makalipas ang halos mahigit limang taon na hindi
aktibo sa paglalaro ay nasa puso ko parin ang
pagmamahal para laruin ang larong ito.

Bilang isang manunulat patungkol sa buhay-buhay ng tao ay madalas kaming nangangailangan
ng isang modelo na magagamit naming halimbawa para makatulong
sa mabilis na pagka-unawa ng mga mambabasa sa aming
nais sabihin sa kanila.

Madalas ko noon nababasa na ginagamit na
halimbawa yung gulong ng sasakyan tungkol sa buhay,
na kung saan minsan ay nasa ilalim at minsan nasa
itaas at yung iba ay para raw hindi umaandar. Meron
din gumagamit na ang buhay ay weather-weather lang
parang nagbabalita lang at meron din na ginagamit
yung kumot na kung saan dapat daw marunong tayong
bumaluktot.

Pero napansin ko lang na kung gagamitin kung modelo
o halimbawa ang basketball tungkol sa buhay ng
tao ay parang marami akong pwedeng gawing metaphor
o ihalimbawa…

Kaya napagdesisyunan ko na gumawa ng isa pang lupon
ng mga artikulo na kung saan tumatalakay sa pag-uugnay
ng buhay at ng larong ito (ang basketball)

Malakas ang pakiramdam ko na mas maraming
mga kaisipan at pangyayari sa buhay na lalo
nating maliliwanagan o maiintindihan kung gagawin
nating halimbawa ang larong ito. Sabi nga nila
“Dont take life seriously because you’ll
not get away alive” parang ganoon ang pagkakatanda ko
na kung saan ay totoo, kaya nga kung minsan sabi
nila life is like a game and in order to win the
game you must learn how to enjoy it.

Like this:

LikeIkinakarga...

Related

This entry was posted on Linggo, Agosto 11th, 2013 at 9:48 umaga and is filed under FACTS OF LIFE, Parang Basketball. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

ni Joyce Anne Balcita, Letran

Copyright 2007

Ang buhay ng estudyante’y sadyang kakaiba.

Minsa’y masarap, minsa’y puno ng problema.

Ika’y matututong mag-isa at makisama.

Sa mga pagsubok sa iba’t ibang asignatura.

Nagsisimula ang magandang samahan

Mula sa simpleng kwentuhan ng karanasan.

Iba’t ibang guro ang makikilala

Na magbibigay sa’yo ng lungkot at saya.

Sa paglipas ng panahon

Kaalama’y patuloy na yumayabong

Dito nahuhubog yaring kaalaman

Patungo sa magandang kinabukasan.

May karanasang puro kalokohan

At dito’y may aral na kapupulutan.

Kolehiyo ma’y pahirap sa aking buhay

Sa magandang bukas ito’y nagsilbing tulay.

Like this:

LikeIkinakarga...

Related

Abril 1, 2008
Mga kategorya: Mga Tula . . May-akda: Kazandro Yuzon

6 mga puna


Comments RSSTrackBack Identifier URI

0 Thoughts to “Buhay Kolehiyo Essay Tagalog

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *